Edukasyon sa Kalagitnaan ng Pandemya
Ang pag-aaral ang isa sa pinaka naapektuhan ng pandemya. Lahat ng estudyante ay nangamba dahil sa makabagong paraan ng pag-aaral. Noong una ay maraming nagalit dahil alam nilang hindi ito magiging epektibo lalo sa mga mag-aaral na nasa mababang baitang pa. Ang iba naman ay sumasang-ayon sa desisyong ipagpapatuloy pa rin ang pag-aaral. Kung iisipin ang pag-aaral ngayong pandemya ay naging malaking epekto sa ating sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Sa aking palagay, sobrang nakaapekto ang pag-aaral sa aking sarili. Sa mga unang buwan ng aking pag-aaral ay naging mahirap para sa’kin dahil naninibago pa lamang ako. Sa mga sumunod na buwan naman ay unti-unti na akong nasanay dahil napansin kong wala naman masyadong pinagkaiba kapag nakikinig ako sa school at sa harap ng laptop. Ngayon naman na nakalipas na ang ilang buwan ay mas naging mahirap na para sakin dahil naapektuhan na ang aking mental na kalusugan. May mga araw ...